CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Monday, December 21, 2009

GRADUATING STUDENT :D

3 months from now, i'll be marching down the aisle. and no, it is not my wedding, its my college graduation and i'm pretty excited about it. finally, i'll be able to get my diploma and pin- the fruits of my hardwork for 4 years aka 8 semesters!

but before that special moment, we have to go through this graduation pictorial. we are REQUIRED to have 4 shots: one wearing clinical uniform, toga, formal attire and finally a glam/ stylish attire for our creative shot. and i must say, the last shot is the most difficult. you have to prepare for this like a month or so. but in our case, we were only given ONE WEEK to prepare. define hassle. :))

i had lots of ideas in mind like doing Audrey Hepburn, Water Nymph, Blair Waldorf, but i have to narrow down my choice into one. When I browsed the net for Audrey, i said to myself, its to simple? so my mama said, why don't you try modern barbie? or Marilyn Monroe, Madonna. and click! that was it! i decided to imitate Marilyn Monroe. We headed to V Mall Greenhills to find that perfect wig. hehe :D unfortunately, there were no wigs resembling the hair of my icon. so we just picked something short and curly. We also bought false eyelashes and had my dress/gown sewn. :) it was all personalized and bought. I know we spent much but my parents are so cool on it. I swear, they are the best parents you could ever have, and lucky me, i am an only child :D

FOR MY DRESS:

*pwede ng pang Marilyn Monroe right?:)

MY HAIR ACCESSORIES:


*located at V-Mall, 2nd floor ;)

inside that box is my wig:

shoulder length and curly :D



and lastly, this Blair inspired headband
which I borrowed from m
y boyfriend's sister ;)

*the stylist wanted to have this hair piece! haha!


FALSE EYELASHES FROM LYNELLE:


*good price for P350! :)


AND THE RESULT?



*TADA! all dolled up :)


I'd like to thank my ever loving parents for this hehe he :D you're the best mama and papa :D

*kahit na gutom na sila kakaikot sa mall, go parin ng go :)

Thursday, October 1, 2009

NOW I KNOW.

i was so eager to watch this particular video since it came out. but it was only now that i got the chance to watch the whole thing. and from what i had watched, i can conclude that:





i certainly don't know what was going in his mind during the interview. i hope he'll never do this again. Sir Mikey, you just put yourself into a total public humiliation. and by the way, i hope I'll have the chance to meet and greet your lawyer soon. tsk.

WHAT AN OSAM EKSPERIYENS!

SEPTERMBER 8, 2009<3

MEET UP. sabi sa news lumabas na daw ang bagyo, langya, sa lagay na yun, pakiramdam ko yung mata ng bagyo eh nasa bansa padin eh! nagkita kami ng aking mga kaibigan/kagrupo sa isang fastfood chain sa tayuman. naglakad ng mga 2 kanto bago sumakay. pero hindi nga gannun kadali mag commute kung ang suot mo ay puti. kahit na may smock gown pa kami, exposed parin naman ang aming mapuputing stockings mula tuhod pababa. mahirap kalabanin ang ulan, lalo na yung may kasamang hangin. ang hirap kasi maputik, ingat na ingat ka na wag madumihan yung uniporme para naman pagharap mo sa pasyente mo presentable at malinis kang tignan. kunwari hindi ka nahassle sa pagpunta dun bago mo siya alagaan. at wala ng sasaklap pa kung yung payong na dala mo ay nasira dahil sa malakas na hangin. *boom.

LOVE AT FIRST SIGHT. hindi rin. kasi nung bumaba kami ng dyip, sinalubong kami ng baha. solusyon? TAXI daw. aba naman. kalapit lapit mag tataxi pa. nag diskusyon pa ang mga kababaihan kung pano tatahakin ang daan makarating lang ng dun. swerte may dumaan na jeep, inikot ikot kami, after 5 minutes, andun na kami sa ospital. yun pala ang Ospital ng Secret ;D madaming tao, sympre ano paba ineexpect mo? at syempre sandamakmak na nursing school ang nagduduty din dun. okay naman sa lobby, malinis. mukha namang maayos. may elevator: 2. kaso bawal daw mag elevator ang students, rationale? hindi ko din alam. saya nga eh, libreng exercise: basang-basa sa ulan + akyat ka hanggang marating mo ung 6th floor. dun kasi ang area ng students. dun ang hemodialysis unit at un nga, area para sa iba't-ibang nursing school.

ENDORSEMENT. census? mga 15. hindi ko na binilang kasi naka-focus lang ako sa pasyente ko. mga isang oras ding endorsement yun ah. hindi uso ang rounds, naculture shock ako ng konti, maging sa charting kasi ibang-iba sa nakasanayan.

SI SIR. si sir ang aking pasyente. 53. HCVD R/O TIA PROB BLEED THROMBOEMBOLISM. nagets nyo ba ung diagnosis? pasimplehin natin, may problema siya sa puso. dun nalang kayo magfocus. eto yung initial charting ko:

  • received sleeping on bed
  • with spontaenous non-labored breathing
  • on LSLF diet
  • with ongoing IVF of PLR 1L X KVO @ 200cc level @ R cephalic vein, intact
  • with bed sore

sinubukan ko siya kausapin. kaso tulala si sir. kung ang charting kailangang comprehensive, malamang napuno ko agad ung isang page. ang sarap kasi isama na:

  1. yung kama niya, sira na. diba ung kama parang may foam pa sa loob? ayon, warat-warat na, parang nginatngat ng daga.wala bang budget ang DOH para palitan ung mga kama na sira na?
  2. wala ng stock ng DP sa ospital. kumusta naman?! diba pag public hospital, lahat ng kailangan ng pasyente sagot ng gobyerno? eh bakit ganun? bakit wala ng stock ng DP para sa pasyente tulad niya, na walang pamilya? na ang nag-aalaga lang sakanya eh anak ng isa pang pasyente sa kabilang kama. HINDI NGA YUN KASALANAN NG OSPITAL. ang pinupunto ko lang, san ba napupunta yung buwis na binabayad? napupuno ang bulsa ng kung sino man. tsk.
  3. ang rasyon ng pagkain de-plastic- parang take out order lang ah? eh kay sir nga kasi wala siyang kapamilya. tinanong ko na siya eh. "asawa po? anak? kapatid?" puro iling lang nakuha kong sagot. buti nalang to the rescue nanaman ang bantay sa kabilang kama. pinapahiram nila ng kubyertos at plato.
namulat ako bigla sa totoong mukha ng healthcare dito sa pilipinas.
lalo na sa pampublikong hospital.


sana ung mga nagdedeklara na tatakbo sila sa 2010 sa kung ano mang posisyon eh masolusyonan yung mga bagay na higit na kailangang pagtuusan ng pansin. hindi ung puro nalang pulitika. nakakasawa na kasi eh. knock knock sa mga makapangyarihan. imulat nyo din po mga mata niyo: MAM at SIR.

Saturday, April 25, 2009

head bump!

as part of our nursing curriculum, we are exposed to different areas in a certain hospital. aside from wards (onco ward, pedia ward, neuro ward etc.) we also have our duty in what they call 'SPECIAL AREAS' and 2 of my favorites are NICU (Neonatal Intensive Care Unit) and OR (Operating Room).

in NICU, my biggest learning is:

having a baby is a big responsibility.

*i know it sounds so ordinary, but the thing is, i've seen several ladies of my age who already had their babies! and when i talk to them, the common reason is that they done "IT" with their boyfies! and they worry much that they may not be able to pay the bills. CS costs around 80k in some hospital and their boyfies are not man enough to face the consequences of their "acts" tsk.

*when a baby cries you must know WHAT THEY REALLY WANT. i am an only child and therefore had no experience at all in taking care of babies. i try my best to give them my 100%. hehe :D one time my baby girl cried so hard, i checked her DP: negative; fed her:failed; carried her like moms usually do: wrong move! i ended up resting her head on my chest and that was it! yun lang pala eh :)) babies seek those warm feeling, even though my drop light, hindi pala yun enough iba parin ang human warmth ;)

*
in bathing a baby, you must be quick enough! and be very careful in handling them. this was hard for a firs timer :P my baby girl kept on crying! if she can only talk siguro she was telling me na: "nurse! bilisan mo pa ngaa!" haha :)) i guess it took me 5-10 minutes, not bad? my baby didn't become hypothermic naman noh :p

-for non-medicall inclined peeps, hypothermic means the body temp is below than normal value ü

overall, i really enjoyed my stay in NICU, and im going to miss those cudde-worthy babies ü its fun to take care of them and treat them as if they were my own lil sis and bros :)



*my OR experience will be posted tomorrow ü
this is it for now, quite long na eh, hehe
goodnight peeps
Godbless ü

Thursday, March 26, 2009

I MADE IT!

I am blessed and loved by our Creator! I passed my Medical Surgical Nursing subject. My prayers were answered!

To those that are not in the medical field, you may find me mababaw but if you are in my position or we are batchmates at Madocs, you know why passing MS is such a BIG DEAL.

sleepless nights are worth it. cramming? hmm. not anymore. i learned my lessons.

though i was not able to achieve my 'goal' for the last semester, i do promise my self that I'll exert more effort this coming school year. it will be my last year in college so better give it my best shot.

cum laude? a girl can dream. and i can (and hope) to make it happen ;)

Congratulations Batchmates!


SENIOR YEAR: here I come! :D

Wednesday, January 14, 2009

TO ALL SINGLE LADIES AND GENTS OUT THERE :P


THE SINGLE PROFILES:

Destiny Addict
Ito 'yung mga taong hinihintay na gumawa ang tadhana na gumawa ng paraan para pagtagpuin sila ng kanilang mga "soulmates" and whatever. Ayaw kumilos o kung ano pa dahil naniniwala siya na kung sino man 'yung talagang meant for him/her ay darating na lang bigla sa paraang maaaring hindi niya inaasahan--wow, parang Serendipity.

Laging maririnig na nagsasabing: "Dadating din 'yan. 'Wag kasing hanapin!"

Perfectionist

Simula nung magkamalay ang taong ito, nakalista na ang mga bagay na gusto niya sa kanyang magiging boypren/girlpren. Kapag may nakilala siya at nakitang madumi ang kuko, magkadikit ang kilay, may butas sa ngipin, o parang penguin maglakad, wala na. Turn off na 'yun para sa kanya.

Laging maririnig na nagsasabing: "Ok na sana siya e. Kaya lang gusto ko 'yung ganito..."

Busy Bee
Pasensya na sila pero masyado kang maraming inaasikaso tulad ng libro, ballpen, papel at calculator. Umaalis ka ng 6am sa bahay at umuuwi ng 7pm ng gabi pag weekdays. Pagdating mo sa bahay, gagawa lang ng homework at matutulog na. Masaya ka nang makanood ng tv pag Sabado (at gumawa ulit ng homework). Sapat na sa 'yo ang kumain sa lahas kasama ang pamilya pag linggo (at gumawa pa rin ng homework).

Laging maririnig na nagsasabing: "Sorry. Wala akong time sa ganyan e."

Friend Forever version 1
Kunwari ka pa dyan. Alam mo namang gusto mo talaga 'yang best friend o special friend mo pero hindi mo lang sinasabi at pinapadama dahil ayaw mong masira ang pagkakaibigan niyong dalawa. 'Yung tipng 'pag may kasamang iba 'yung gusto mo, kunwari ka pang masaya ka para sa kanya pero sa totoo lang gusto mo na malusaw parang ice caps dahil sa Global Warming.

Laging maririnig na nagsasabing: "I'm so happy for you!" o "Sayang naman 'yung pinagsamahan namin e."

Friend Forever version 2
Wala tayong magagawa pero talagang malapit ka lang sa kabilang kasarian--pero bilang kaibigan lang. One-of-the-boys, ladies' man. Hindi ka naman homo o bi pero sadyang kaibigan lang ang tingin mo sa mga taong hindi mo kapareho ng chromosomes. Masaya ka nang nakaka-hang-out lang sila, nakakakwentuhan, niyayakap nang walang halong malisya.

Laging maririnig na nagsasabing: "May inuman ba mamaya?" (kung babae) o "Hatid ko ba kayo mamaya?" (kung lalaki)

Born to be One
Single-blessed ka at wala ka nang magagawa kung ganun :) Nilikha ka siguro para maging mag-isa (pero syempre may pamilya at kaibigan ka naman, duh) hanggang tumanda ka na at ipadala sa Home for the Aged. Marami akong kakilalang mukhang ganito ang patutunguhan at hindi naman sila mga pangit o abnoy talaga. Minsan lang, masyado silang masungit.

Laging maririnig na nagsasabing: "Mag-isa ako."

Happy-go-lucky
'Eto 'yung taong masaya na sa trip-trip lang at kung anu-anong mga happenings. Kahit sino na lang basta no strings attached. For fun lang at walang seryosohan please.

Laging maririnig na nagsasabing: "I'm not ready to commit e, but I really like you."

Wrong Time

'Eto naman 'yung mga laging idinadahilan na masyado pa silang bata o kaya masyado na silang matanda. May mga tao raw na ganyan, 'yung pakiramdam nila laging may tamang panahon para sa pag-ibig. Pero ang labo lang kasi tuwing may pagkakataon naman, lagi nilang naiisip na maling panahon pa iyon. Oo, wrong timing lagi ang pag-ibig para sa kanila kasi madalas sumasakto kung kelan meron silang board exams, problema sa pamilya, o long test kinabukasan. :))

Laging maririnig na nagsasabing: "We had the right love at the wrong time..."

Parent Trap

Ayaw ni mama o ni papa na magkaboypren/girlpren ang kanilang unica hija/hijo kahit na 22 years old na ito at kumikita na ng sarili niyang pera. Kailangan daw magkaron ka muna ng isang strand ng puting buhok bago may makadalaw sa'yo sa bahay. O kaya, baka ikaw 'yung may problema dahil natatakot ka sa iisipin ng mga magulang mo tungkol sa taong iyong gusto. Baka kasi sabihin nila na masyado siyang bansot/ matangkad/ baboy/ payatot para sa'yo.

Laging maririnig na nagsasabing: "Baka kasi magalit si Papa."

Trauma
Dahil sa dami ng mga heartbreak na iyong nadama at emo songs na napakinggan mo na noon, sinumpa mo nang hindi ka magmamahal. Ayaw mo na. Sawa ka na sa paglalaslas ng pulso, este, sa paglalagay ng mga madramang stat message sa YM at pag-iyak ng balde-baldeng luha. Awwwww. >:D< Pwede rin namang masyado kang insecure sa sarili mo kaya hindi ka makapagmatapang na magventure into some love quest.

Laging maririnig na nagsasabing: "Pagod na pagod na akong masaktan!" *hikbi*

Your Ex-Lover is (NOT) Dead
Yikeeee. Mahal pa rin niya ang kanyang ex at hindi siya maka-get-over the person. Boo. Pilit pa ring inaalala ang mga tawanan, iyakan, at PDA moments nilang dalawa kahit 'yung ex niya ay nakikipag-(insert verb here) na sa ibang babae/lalaki. Sasabihin mong nakapag-move on ka na pero pag nagkwentuhan tungkol sa pag-ibig, tandadada

Laging maririnig na nagsasabing: "I'm over him/her..." 'tapos iiyak bigla.

Ayaw
Dalawa na namang kaso ito. Una, ayaw mo lang talaga magka-"someone". Hindi ko na pipilitin ungkatin 'yung dahilan pero may mga pagkakataon lang talaga na ayaw mo. Ikalawa naman, baka........ ayaw kasi sa 'yo nung gusto mo. And that's the shizzest thing ever. Pwedeng ayaw niya sa 'yo dahil may girlpren/boypren sya, busy sya, o whatever, o kaya ayaw ka lang niya talaga at wala ka nang magagawa kung ganun..

Laging maririnig na nagsasabing: "Ayaw ko pa magkaboypren/girlpren eh.". o "Hindi naman niya ako gusto."

*ANO? CAN RELATE BA KAYO? :D