CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Thursday, October 1, 2009

WHAT AN OSAM EKSPERIYENS!

SEPTERMBER 8, 2009<3

MEET UP. sabi sa news lumabas na daw ang bagyo, langya, sa lagay na yun, pakiramdam ko yung mata ng bagyo eh nasa bansa padin eh! nagkita kami ng aking mga kaibigan/kagrupo sa isang fastfood chain sa tayuman. naglakad ng mga 2 kanto bago sumakay. pero hindi nga gannun kadali mag commute kung ang suot mo ay puti. kahit na may smock gown pa kami, exposed parin naman ang aming mapuputing stockings mula tuhod pababa. mahirap kalabanin ang ulan, lalo na yung may kasamang hangin. ang hirap kasi maputik, ingat na ingat ka na wag madumihan yung uniporme para naman pagharap mo sa pasyente mo presentable at malinis kang tignan. kunwari hindi ka nahassle sa pagpunta dun bago mo siya alagaan. at wala ng sasaklap pa kung yung payong na dala mo ay nasira dahil sa malakas na hangin. *boom.

LOVE AT FIRST SIGHT. hindi rin. kasi nung bumaba kami ng dyip, sinalubong kami ng baha. solusyon? TAXI daw. aba naman. kalapit lapit mag tataxi pa. nag diskusyon pa ang mga kababaihan kung pano tatahakin ang daan makarating lang ng dun. swerte may dumaan na jeep, inikot ikot kami, after 5 minutes, andun na kami sa ospital. yun pala ang Ospital ng Secret ;D madaming tao, sympre ano paba ineexpect mo? at syempre sandamakmak na nursing school ang nagduduty din dun. okay naman sa lobby, malinis. mukha namang maayos. may elevator: 2. kaso bawal daw mag elevator ang students, rationale? hindi ko din alam. saya nga eh, libreng exercise: basang-basa sa ulan + akyat ka hanggang marating mo ung 6th floor. dun kasi ang area ng students. dun ang hemodialysis unit at un nga, area para sa iba't-ibang nursing school.

ENDORSEMENT. census? mga 15. hindi ko na binilang kasi naka-focus lang ako sa pasyente ko. mga isang oras ding endorsement yun ah. hindi uso ang rounds, naculture shock ako ng konti, maging sa charting kasi ibang-iba sa nakasanayan.

SI SIR. si sir ang aking pasyente. 53. HCVD R/O TIA PROB BLEED THROMBOEMBOLISM. nagets nyo ba ung diagnosis? pasimplehin natin, may problema siya sa puso. dun nalang kayo magfocus. eto yung initial charting ko:

  • received sleeping on bed
  • with spontaenous non-labored breathing
  • on LSLF diet
  • with ongoing IVF of PLR 1L X KVO @ 200cc level @ R cephalic vein, intact
  • with bed sore

sinubukan ko siya kausapin. kaso tulala si sir. kung ang charting kailangang comprehensive, malamang napuno ko agad ung isang page. ang sarap kasi isama na:

  1. yung kama niya, sira na. diba ung kama parang may foam pa sa loob? ayon, warat-warat na, parang nginatngat ng daga.wala bang budget ang DOH para palitan ung mga kama na sira na?
  2. wala ng stock ng DP sa ospital. kumusta naman?! diba pag public hospital, lahat ng kailangan ng pasyente sagot ng gobyerno? eh bakit ganun? bakit wala ng stock ng DP para sa pasyente tulad niya, na walang pamilya? na ang nag-aalaga lang sakanya eh anak ng isa pang pasyente sa kabilang kama. HINDI NGA YUN KASALANAN NG OSPITAL. ang pinupunto ko lang, san ba napupunta yung buwis na binabayad? napupuno ang bulsa ng kung sino man. tsk.
  3. ang rasyon ng pagkain de-plastic- parang take out order lang ah? eh kay sir nga kasi wala siyang kapamilya. tinanong ko na siya eh. "asawa po? anak? kapatid?" puro iling lang nakuha kong sagot. buti nalang to the rescue nanaman ang bantay sa kabilang kama. pinapahiram nila ng kubyertos at plato.
namulat ako bigla sa totoong mukha ng healthcare dito sa pilipinas.
lalo na sa pampublikong hospital.


sana ung mga nagdedeklara na tatakbo sila sa 2010 sa kung ano mang posisyon eh masolusyonan yung mga bagay na higit na kailangang pagtuusan ng pansin. hindi ung puro nalang pulitika. nakakasawa na kasi eh. knock knock sa mga makapangyarihan. imulat nyo din po mga mata niyo: MAM at SIR.

0 comments: